Si San Pedro Calungsod ay isang batang Pilipino na naging martir sa Guam noong 1672. Ipinanganak siya noong 1654 sa Visayas, partikular sa Ginatilan, Cebu. Siya ay sumama sa mga Heswitang pari sa kanilang misyon sa Marianas Islands upang ipalaganap ang Kristiyanismo sa mga katutubong Chamorro.
Naging katulong siya ni Padre Diego Luis de San Vitores sa pagtuturo ng katesismo at pagbibinyag sa mga katutubo at aktibong nakilahok siya sa mga gawain ng simbahan, tulad ng pag-awit, pag-arte, at pagkakarpintero ngungit noong Abril 2, 1672, siya at Padre Diego ay inatake nina Matapang at Hirao habang nasa Tumhon, Guam, nakailag siya sa mga unang sibat, pero sa huli ay tinamaan siya sa dibdib at namatay nang tamaan ng itak sa ulo.
Tinanghal siyang beato ni Papa Juan Pablo II noong Marso 5, 2000 at noong Oktubre 21, 2012, siya ay idineklara bilang santo ni Papa Benedicto XVI, Siya ang ikalawang Pilipinong santo sumunod kay San Lorenzo Ruiz ang Unang Filipinong Santo.

Comments
Post a Comment